Thursday, December 07, 2023

Pansamantalang makalalaya mula sa pagkaka-detine sa Batasan Complex si dating Mexico, Pampanga Mayor Teddy Tumang. 


Ito ay makaraang pagbigyan ng House Committee on Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Rep. Robert Ace Barbers ang mosyon ni House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., dahil sa “diwa ng Pasko.” 


Matatandaan na si Tumang ay na-contempt noong Nov. 15, at pinatawan ng 30-araw na kulong sa Batasan Pambansa, dahil sa pag-leak ng mga impormasyon na mula sa “executive session” ng komite ukol sa isyu ng ilegal na droga na nasabat sa Pampanga. 


Ayon kay Gonzales, nasa holiday season naman kaya personal niyang hinihiling na pansamantalang makauwi si Tumang para makasama ang kanyang pamilya at makapagdiwang ng Pasko at Bagong Taon. 


Punto pa ni Gonzales, sa pagbabalik ni Tumang sa Kamara --- maaaring nakapag-medidate na siya o nakapag-pahinga, at magpapasya nang suportahan ang komite sa pagresolba sa usapin. 


Nabatid naman na tinamaan si Tumang ng COVID-19 habang naka-detine sa Kamara. 


Samantala, inatasan ng Dangerous Drugs panel si Tumang na mag-report sa Jan. 22, 2024 o pagbabalik-sesyon ng Kongreso matapos ang Christmas break. 


Ayon naman kay Barbers, magdaraos sila ng special meeting para pagpasyahan ang hirit ni Tumang na bawasan ang bilang ng araw ng kanyang detention. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home