Thursday, December 07, 2023

Pinagtibay na sa plenaryo ng Kamara ang House Resolution 1494 o malakas na pagkondena sa mga ilegal na askyon ng China sa West Philippine Sea.


Sa inadopt na resolusyon ay nakasaad din ang pag-udyok sa pamahalaan na igiit at protektahan ang mga karapatan sa soberanya ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone o EEZ at “continental shelf” alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS at 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration.


Ang resolusyon ay ini-akda nina House Committee on Constitutional Amendments chairman Rufus Rodriguez, House Special Committee on the West PH Sea Neptali Gonzales II, Makabayan solons at iba pang kongresista.


Kabilang sa mga tinukoy na ilegal na gawain ng China sa West PH Sea ay ang harassment, shadowing, blocking, mapanganib na manuevering at radio challenges.


Gayundin ang “unilateral” na pagpapataw ng fishing moratorium; ilegal na Marine Scientific Research; pagbabawal sa mga Pilipinong mangingisda na magsagawa ng aktibidad sa Bajo de Masinloc, at pangha-harass sa mga bangka natin sa Ayungin Shoal.


Dagdag nila ang swarming o kumpulan ng Chinese militia vessels sa Recto Bank, Bajo de Masinloc at iba pa; at ang mga ilegal na aksyon ng China tuwing may resupply mission sa BRP Sierra Madre.


Giit ng mga mambabatas, dapat na palakasin ang pagpa-patrol sa ating maritime zones sa pamamagitan ng pagkakaroon ng self-reliant defense posture program, i-upgrade ang mga kakayahan ng Philippine Coast Guard, at pagbuhos ng pondo para sa mga tropa ng gobyerno at civilian maritime patrol forces. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home