Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 9663 o ang panukalang National Water Resource Act.
Ayon kay House Committee on Revision of Laws chairman Edward Maceda, ang panukala ay isa sa mga priority measure na binanggit ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address o SONA.
Layon ng panukala na matiyak ang “universal access” sa tubig at sanitation services, at gumawa ng mga hakbang para matugunan ang mga hamon ng “climate change.”
Kapag naging ganap na batas, bubuo ng tinatawag na Department of Water Resources o DWR.
Pagtitibayin din ang isang Integrated Water Resource Management bilang “framework.”
Nakasaad pa sa House Bill na mapapasailalim ng DWR bilang attached agencies ang: Local Water Utilities Admiinistration, Metropilitan Waterworks and Sewerage System, National Irrigation Administration, at Laguna Lake Development Authority.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home