Thursday, December 07, 2023

PAGDINIG UPANG MATUGUNAN ANG MATAAS NA MGA PRESYO NG BIGAS AT ITLOG NG MANOK, ISINAGAWA SA KAPULUNGAN

 

Ipinaalam ng Department of Agriculture (DA) ngayong Miyerkules sa Komite ng Agriculture and Food sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga ang mataas na halaga ng bigas at itlog ng manok sa mga lokal na pamilihan. 


Ayon kay Rep. Enverga, nanawagan si Speaker Ferdinand Martin Romualdez para sa nasabing pagdinig, upang maipabatid sa Kapulungan ang mga hakbang na ginagawa ng ahensya, upang matugunan ang mataas na presyo ng nasabing mga kalakal sa agrikultura, matapos na personal na inspeksyunin ni Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa isang pampublikong pamilihan sa Lngsod ng Quezon noong nakaraang linggo. 


Sinabi ni Rep. Tulfo na hindi nagbago ang presyo ng bigas, at inaasahan pa rin ng publiko ang pagbaba nito partikular na ngayong Kapaskuhan. 


Sinabi ni NFA Director Roderico Bioco kay Rep. Tulfo ang kanilang rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mapahusay ang lokal na produksyon ng bigas, sa pamamagitan ng National Rice Program at para sa paghahanap ng iba pang paraan sa pag-angkat ng bigas. 


Tinunton ni Philippine Egg Board Association President Francis Uyehara ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ng itlog ng manok sa mga nakaraang buwan hanggang sa paglitaw ng bird flu, na siyang nagpababa sa bilang ng mga manok na nangingitlog. 


Iniulat niya na nagsimula nang maging normal ang presyo ng itlog ng manok, matapos dagdagan ng mga magsasaka ang suplay ng itlog na may dalawa hanggang tatlong buwan na ang nakararaan. 


Hinimok ni Palawan Rep. Jose Alvarez ang mga ahensya ng agrikultura na masusing suriin at ibigay sa Kongreso ang kanilang mga panukalang rebisyon sa Republic Act 11203, o ang Rice Tariffication Law. 


Binigyang-diin ni Nueva Ecija Rep. Rosanna "Ria" Vergara ang pangangailangang dagdagan ang badyet ng DA, upang sapat na matulungan at malutas ang patuloy na usapinsa  pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa agrikultura. 


Pinagtibay din ng Komite ang isang resolusyon na humihimok sa Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado ng Pilipinas, na taasan ang badyet ng National Irrigation Authority (NIA) para sa 2024, upang tustusan ang mga proyekto sa pag-iipon ng tubig na magpapalakas sa produksyon ng agrikultura sa bansa. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home