PAGREBISA SA MGA PROBISYON SA PAGPOPONDO SA “REVISED GOV’T CODE AUDITING ACT” AT COOPERATIVE CODE, AT PANUKALA NA MAGTATAAS SA SUPPLIES ALLOWANCE NG.MGA GURO, APRUBADO SA KOMITE NG APPROPRIATIONS
Inaprubahan ngayong Martes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa pangunguna ni Committee Vice Chairperson Rep. Raul Angelo Bongalon ang tatlong substitute bills kabilang ang kanilang mga probisyon sa pagpopondo, sa mga panukala na nagrerebisa sa government auditing code ng Pilipinas, na magbibigay ng revised Cooperative Code of the Philippines, at pagsasailalim sa institusyon ng paggagawad ng teaching supplies allowance sa mga guro ng pampublikong paaralan.
Inisponsor ni Committee on Revision of Laws chairperson Rep.Edward Vera Perez Maceda ang pagpapasa ng Substitute Bill sa mga House Bills (HBs) 9548, 166, 5363, 8912, 8955 at 9606, na may titulong Providing for the Revised Government Auditing Code of the Philippines, na iniakda nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Reps. Rodante Marcoleta, Rufus Rodriguez, Florida ‘Rida’ Robes, Emmarie 'Lolypop' Ouano-Dizon, at Joey Sarte Salceda, ayon sa pagkakasunod, at sinabi na ang panukala ay isa sa mga prayoridas ng LEDAC at SONA.
“Importante para sa akin na baguhin na yung Auditing Code dahil yung P.D.1445 1978 pa po yun, it’s about time we have a revised Auditing Code” ayon kay Maceda, at idinagdag na ang panukala ay isa sa mga natitirang pitong (7) prayoridad na panukala na nakatakdang ipasa bago magbakasyon.
Ayon kay Rep. Maceda, ang Auditing Code ay naglalaman ng parehong Constitutional provisions Article 9-A sa parehong mga probisyon ng Civil Service Commission (CSC), Commission on Audit (COA), at ng Commission on Elections (COMELEC), at Article 9-D, na tumutukoy sa mga probisyon para sa COA.
Ipinahayag ni COA Planning, Finance and Management Assistant Commissioner Nilda Plaras ang pasasalamat ng ahensya sa Komite, sa pag-amyenda sa luma nang State Audit Code.
Binanggit rin ni Committee Vice Chairperson Rep. Joseph “Jojo” Lara ang iba pang mga amyenda at tumuon sa espesyal na probisyon sa GAA hinggil sa Section 103.
Gayundin, binanggit ni Rep.Bongalon ang espesyal na probisyon sa GAA hinggil sa Section 103. Nagmosyon si Baguio City Lone District Rep.Mark Go na aprubahan ang substitute bill, gamit ng Komite ang kadalasang ginagamit na lenggwahe sa pag-apruba ng probisyon sa apropriyasyon, na sinang-ayunan naman ng lupon.
Bago rito, inaprubahan ng lupon ang substitute bill sa mga HBs 1333, 8067, 9013, 8067, 9159 at 9450, para sa Revised Cooperative Code of the Philippines na iniakda nina Reps. Felimon Espares, Emmarie “Lollypop” Ouano-Dizon, Ralph Wendel Tulfo, at Nicanor Briones, ayon sa pagkakasunod. Sinabi ni Rep. Espares na ang panukala ay prayoridad sa lehislasyon rin ni Pangulong Marcos Jr.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home