Isinusulong ni Bicol Saro PL Rep. Brian Yamsuan na gawing “force multipliers” laban sa terorismo ang mga tanod, at iba pang civilian volunteer organizations o CVOs.
Ito ay kasunod ng malagim na pambobomba sa isang misa sa Mindanao State University o MSU, na ikinamatay ng 4 na tao at ikinasugat ng marami.
Ayon kay Yamsuan, na dating assistant secretary ng DILG --- mabuting palakasin ang kapabilidad ng mga tanod, barangay peace and order committees at CVOs, upang makatulong sila sa pagmo-monitor ng mga kahina-hinalang mga kilos sa kanilang komunidad.
Giit ni Yamsuan, sa problema sa terorismo --- ang pagbabantay ay dapat hanggang sa barangay level.
Suhestyon ni Yamsuan, ang CVO members ay kailangang pumasa sa mga requirement at sumailalim sa basic military training, bago ma-recruit at isabak ng Philippine National Police o PNP.
Ang mga tanod at peace and order committees naman ay aatasang tumulong sa mga pulis at sundalo pagdating sa pagkalat ng impormasyon, at sa pag-uupdate ng records ng mga residente at hindi residente sa kani-kanilang mga komunidad.
Ang istratehiyang ito, ayon kay Yamsuan, ay dati nang ginawa ni dating DIL Sec. Ronaldo Puno, laban sa terorismo.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home