Thursday, December 07, 2023

PANUKALANG TATAK PINOY ACT AT FAMILY TREE PLANTING ACT, PASADO SA IKALAWANG PAGBASA 


Inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ngayong Lunes sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8525, o ang panukalang "Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act." 


Sa ilalim ng panukalang ito, babalangkas nang planong Tatak Pinoy Strategy (TPS) para sa bansa, na paunti-unti at sistematikong palawakin ang produktibong kakayahan ng mga lokal na negosyo. 


Layunin din nitong bigyang kapangyarihan ang mga lokal na negosyo na makagawa at mag-alok ng iba't iba at pandaigdigang kompetisyon sa mga produkto at serbisyo. 


Ang mga plano at programa ng TPS ay organisado ayon sa mga sumusunod na haligi: 1) lakas ng tao; 2) imprastraktura; 3) teknolohiya at pagbabago; 4) pamumuhunan; at 5) pampublikong fiscal management at government procurement. 


Ang Tatak Pinoy Council ay itatatag upang bumuo ng TPS, kabilang na ang pagtatasa ng TPS at pagpapatupad nito, magmungkahi ng kinakailangang batas, mag audit ng mga umiiral na programa, at magbigay ng teknikal na tulong sa pagsusuri ng mga panukalang patakaran, at iba pa. 


Ipinasa rin sa ikalawang pagbasa ang HB 9587, o ang panukalang "Family Tree Planting Act," na naglalayong mapaunlad ang kamalayan ng mga tao sa climate change, gayundin ang paghikayat sa pagtatanim ng puno bilang bahagi ng pag-aalala at responsibilidad ng pamilya, at gawin silang katuwang sa pagtugon sa climate change. 


Ipinasa rin ng Kapulungan sa ikalawang pagbasa ang HB 9588, na siyang magiging civic duty ng lahat ng magtatapos na senior high school at college students, na magtanim ng mga puno para sa pagkalinga sa kapaligiran. 


Pinangunahan nina Deputy Speakers Antonio "Tonypet" Albano, Raymond Democrito Mendoza, Kristine Singson-Meehan, Roberto Puno, at Yasser Alonto Balindong ang sesyon ngayong Lunes. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home