Thursday, December 07, 2023

Pinatawan na rin contempt ng House Committee on Legislative Franchises si dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy, ang co-anchor sa SMNI ni Jeffrey “Ka Eric” Celis.


Sa pagpapatuloy ng pagdinig ukol sa prangkisa ng SMNI, nagmosyon ni Manila Rep. Benny Abante na i-contempt si Badoy dahil sa pagtanggi na sagutin ang mga tanong ng mga kongresista, at umano’y kawalang galang sa pamamagitan ng pagsisinungaling.


Gaya ng kay Celiz, nagpasya ang komite na mananatili si Badoy sa Batasan Complex hanggang sa mapagtibay ang committee report sa plenary session.


Una rito ay may mga inusisa si Quezon Rep. David Suarez, gaya ng ads ng programa nina Badoy at Celiz sa SMNI na “Laban Kasama ang Bayan.”


Sabi ng chairman ng komite ni sa Rep. Gus Tambunting, dapat alam ng mga anchor ang kita ng ads ng mga ito at sino ang sponsors.


May mga binanggit naman si Rep. Dan Fernandez na datos, na nagpapakita na nagsisinungaling umano si Badoy.


Sa kanya namang pahayag, sinabi ni Badoy na kanyang nirerespeto ang desisyon ng komite, at sinabing sa Batasan umano siya naglalaro noong kongresista ang kanyang tatay. Pero malungkot umano siya na mga nakita sa hearing.


Pinagsusumite ni Suarez ang SMNI na magsumite ng mga dokumento ng ads contract, at revenue sharing sa co-producers. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home