Bagamat mali, Speaker Romualdez iginagalang opinyon ni Harry Roque
Iginagalang ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang opinyon ni dating Presidential spokesman Harry Roque kahit mali ito.
Ito ang sagot ni Speaker Romualdez kaugnay ng alegasyon ni Roque na siya ang nasa likod ng anti-Duterte issues, partikular ang resolusyon sa Kamara na nananawagan sa gobyerno na makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa madugong war on drugs campaign ng nakaraang administrasyon.
“We respect his thoughts and opinion but they’re not accurate. So ill just put it at that and there is nothing to it,” sabi ni Romualdez.
Ipinagtanggol naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri si Romualdez na kasama nitong humarap sa media.
“Let me speak for the Speaker, he is a very nice guy. The Speaker is focussed on his work. He told me earlier, ‘let’s not talk about politics. Migz don’t worry about that, I don’t let it bother me, I just focus on my work. So we appreciate that with the Speaker of the House of Representatives,” sabi ni Zubiri.
Nagsagawa ng paunang imbestigasyon ang House committees on justice at on human rights sa resolusyon na nananawagan na makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC.
Wala pang naging desisyon ang mga komite kung pagtitibayin ito.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home