PROSESO NG BIDDING SA BFP AT INSIDENTE NG PAMBOBOMBA SA MSU, INIMBESTIGAHAN NG KOMITE
Muling ipinagpatuloy ang pagsisiyasat ngayong Martes, ng Komite ng Public Order at Safety sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez ang tungkol sa mahigpit at kuwestiyonableng fire truck procurement bidding process ng Bureau of Fire Protection, alinsunod sa modernization program nito.
Ang pagsisiyasat ay alinsunod sa House Resolution 724 na inihain ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro.
Sinabi ni Rep. Fernandez na nirepaso ng Komite noong nakaraang pagdinig ng Komite ang terms of reference para sa firetruck bidding. Nauna ring sinabi ni Kolonwel Trading Whelma Lanzuela na mayroon silang video recording na nagpapakita ng ebidensya ng umano'y iregularidad sa firetruck procurement bidding procedure.
Sa utos ng Komite, isinama ni Lanzuela sa pagdinig ang kanilang private investigator na si Ronald CaƱete, upang magbigay patunay sa nasabing video.
Kalaunan sinuspinde ng Komite ang pagsisiyasat sa nasabing usapin.
Nagsagawa rin ng pagdinig ang mga mambabatas tungkol sa insidente ng pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Lungsod ng Marawi, Lanao del Sur noong nakaraang ika-3 ng Disyembre 2023.
Ang pagbobomba ay nagresulta sa pagkasawi ng apat na indibidwal at pagkasugat ng mga 50 sibilyan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home