Radio anchors na sina Jeffrey “Ka Eric” Celis at Lorraine Badoy ng SMNI, na-cite for contempt ng Kamara
NA-CITE for contempt si Jeffrey “Ka Eric” Celis at co-anchor na si Lorraine Badoy ng Sonshine Media Network International o (SMNI) matapos itong tumangging sagutin ang kaugnay na mga katanungan sa imbestigasyon at unruly conduct and behavior na malinaw na isang paglabag sa Section 11 ng Rules of the House in aid of legislation.
Sa hearing ng House committee on legislative franchises sa pangunguna ni Paranaque City 2nd district Rep. Gus Tambunting, apat na beses tumanggi si Celis na pangalanan ang kanyang source na nagbigay ng maling impormasyon sa alegasyon gumastos ng P1.8 billion travel expenses si Speaker Martin Romualdez, .
Tumanggi si Celis na magbigay ng impormasyon hindi dahil wala siyang respeto sa komite kundi sa panawagan ng kanyang karapatan na ginagarantiya sa Konstitusyon dahil naniniwala aniya siya na hindi maaaring higit pa sa batas ang komite, lalo na sa saligang batas.
Tinawag ni Celis na isang “kangaroo court” ang panel at pinangaralan ang panel na isakatuparan ang due process sa mga inimbitahang resource persons.
Nakasakit sa damdamin ng mga mambabatas ang naging tugon ni Celis Dito binalaan ni Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel si Celis na maaring humantong sa cite for contempt ang kanyang naging aksyon. Irespeto aniya ang komite at obserbahan ang proper decorum.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home