Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na hindi na makararanas ang bansa ng pagbagal ng ekonomiya sa susunod na taon.
Ito’y dahil sa “on time” na pagkakapasa at pagratipika sa 2024 General Appropriations Bill na nagkakahalaga ng 5.768 trillion pesos.
Ayon kay Romualdez, inaasahang hindi na mauulit ang economic slowdown nitong second quarter ng 2023 dulot ng mababang utilization ng pondo o government spending.
Hindi na rin aniya mahihirapang i-download ang alokasyon para sa mga programa at proyekto at wala nang “glitches” dahil sa maagap na pag-apruba sa budget.
Kasunod nito, kinumpirma ni Romualdez na gagamitin ng Kamara ang oversight functions nito sa darating na Enero upang bantayan ang implementasyon ng mga programa at ahensyang dinagdagan ng pondo sa final version ng 2024 GAB.
Layon umano nito na tiyaking tama, mabilis at maayos ang pagpapatupad sa mga programang pinondohan upang agad maramdaman ng ekonomiya at ng mamamayan.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home