ANG MAGKAKAIBANG PANANAW SA CHA-CHA AY NORMAL, AT NAGPAPATUNAY NA BUHAY ANG DEMOKRASYA SA PILIPINAS
Nagpahayag ng pagtitiwala ang mga pinuno ng Kapulungan ng mga Kinatawan ngayong Lunes na ang mga magkakaibang pananaw ng mga Miyembro ng Kapulungan at mga Senador ay normal lamang, at hindi magkakaroon ng masamang epekto sa bansa. Ito ang naging paninindigan nina Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan, Committee on Dangerous Drugs chair at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, at Nationalist People’s Coalition (NPC) President at Rizal Rep. Michael John “Jack” Duavit sa idinaos na pulong balitaan, hinggil sa kasalukuyang pagsisikap sa Charter change, na dinaluhan ng ilang mambabatas. “Yung differences (of opinion), normal naman yun. Siguro di naman nangyayari na walang difference in opinion yung ating mga senador at mga ating kongresista… Alam naman ng ating administrasyon saan dapat dalhin ang ating ekonomiya, ang ating bansa,” ani Barbers. Nagpahayag siya ng pagtitiwala na ang mga usapin at mga hindi pagkakasundo ay hindi magiging balakid sa mga isinusulong ng administrasyon, at idinagdag na ang pagkakaiba ay patunay lamang na buhay ang demokrasya sa bansa. “Buhay po ang demokrasya sa Pillipinas kaya everybody is allowed to say their piece and say whatever opinion they have on certain issues. We make different opinions, but at the end of the day, dapat ay mag respetuhan tayo. Yun lang, wala naman sigurong ibang makakaapekto sa ating bansa,” ayon pa kay Barbers. Sa kabilang dako, sinabi ni Duavit na sa isang ulirang mundo, ang mga hindi pagkakaunawaan ay matutugunan sa pamamagitan ng mga opisyal na lugar na nagpapahintulot ng mga debate. “That’s the reason we have official structures where we can have these debates. Imposible naman naga-agree ang lahat sa lahat ng bagay. In a perfect would, we would be discussing this in an official setting with an official output, not on the streets, not through the media,” giit ni Duavit. Nilinaw niya na sarili niya itong pananaw bilang mambabatas at hindi isang pinuno ng partido. Ayon kay Singson-Meehan, miyembro ng NPC, na itinuturing niya ang lahat ng senador bilang mga kaibigan. “Sila po, kaibigan namin, not just the NPC members but all the senators. We’ve been working with them. They help us pass our local bills, (and) we work together with them for other national bills, maganda po ang working relationship namin and I still believe na ganun pa rin until now,” aniya.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home