rpp 'Ipe-preserve natin': Speaker Romualdez itinulak pananatili ng itsura ng iconic PH jeepney
Itinulak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagpapanatili ng itsura ng tradisyonal na jeepney ng bansa.
“Basta ‘yong jeepney talaga ang, ‘yan talaga ang simbulo ng ating Pilipinas kaya dapat hindi ‘yan mawala, at suportado ko kayo dito. At ipe-preserve natin ‘yan, at dapat hindi ‘yan mawala sa ating bayan," sabi ni Speaker Romualdez sa tinatayang 100 jeepney driver at operator na nakaharap nito sa isang dayalogo sa Kamara de Representantes sa Batasan, Quezon City.
Hiniling ng mga driver na makausap si Speaker Romualdez upang maiparating ang kanilang hinaing kaugnay ng implementasyon ng PUV Modernization Program.
“Nagpapasalamat ako na lumapit kayo sakin para malaman din natin ang mga hinaing niyo po," sabi ni Romualdez.
"Bukas parati ang pintuan ng Kongreso para sa mamamayang Pilipino, lahat,” sabi pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.
"Ayokong mawala ang imahe ng ating jeepney...Lahat naman tayo, mahal naman natin ang ating mga jeepney, ‘yan talaga ang imahe talaga ng ating Pilipinong (kultura). Maski saan sa kantang 'Manila' ‘di ba, ang mga jeepney, sa mga kanta, basta mga jeepney ng mga Pilipino,” dagdag pa ni Romualdez.
Nangako rin si Speaker Romualdez na tutulungan ang mga driver gamit ang mga programa ng gobyerno upang maibsan ang kanilang paghihirap.
“Asahan ninyo po habang meron kayong kaunting challenges dito, na merong dislokasyon dito sa ating pagtatrabaho, meron tayo nitong mga ayuda, ‘di ba itong mga AICS, mga TUPAD, lahat ng maitutulong natin, mga social assistance para hindi kayo mahihirapan kasi sigurado po ako na hindi ito ang gusto ng ating mahal na Presidente na mahirapan po kayo,” ani Speaker Romualdez.
Tiniyak din ni Speaker Romualdez na magtatrabaho ang Kamara para sa kapakanan ng mga Pilipino.
"Nandito po tayo, dito sa Kongreso parating nandito tayo araw-araw, nandito tayo handang-handa hindi lang para makinig kun’di pero gagawan ng paraan o hahanap ng solusyon or options,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. (END)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home