Thursday, January 25, 2024

PANUKALANG NUCLEAR LIABILITY, TINALAKAY NG LUPON SA KAPULUNGAN


Tinalakay ng Espesyal na Komite ng Enerhiyang Nukleyar sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Pangasinan Rep. Mark Cojuangco ngayong Miyerkukes, ang House Bill 8623, o ang “Philippine Nuclear Liability Act,” na layong pamahalaan ang mga civil liabilities ng mga operator ng nuclear installations sa mga pinsalang maaaring idulot ng insidenteng nukleyar. 


Ipinaliwanag ni Global Nuclear Energy (GNE) advisor Atty. Helen Cook sa Komite na maaaring gamitin ang pampublikong pondo upang bayaran ang anumang danyos na idudulot ng insidenteng nukleyar. 


Sa ilalim ng panukala, rekisitos sa mga operator ng nuclear installations na kumuha ng paseguro kung saan ay doon kukunin ang pambayad sa mga pinsala. Isinasaad sa panukala na ang paseguro ay dapat na kayang bayaran ang anumang pinsala hanggang sa halagang $400-milyon. Idinagdag ni Cook na ang bansa ay dapat na may akses sa pambayad sa mga pinsala na lampas sa $400-milyon noong sumapi ang Pilipinas sa Convention on Supplementary Compensation for Nuclear Damage, kung saan ay nakalagda ang bansa. 


Ang mga may kaugnayang ahensya ng pamahalaan ay nagtanong rin at naglahad ng kanilang mga komento para sa konsiderasyon ni Cojuangco. 


Plano ng kanyang Komite na magprisinta ng siguradong bersyon ng amyenda sa panukala para aprubahan sa susunod na pulong.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home