hajji Pinasisilip ni Surigao del Norte Second District Representative Robert Ace Barbers sa Kamara ang umano’y disadvantageous contract na pinasok ng Philippine Charity Sweepstakes Office para sa e-lotto.
Batay sa House Resolution Number 1547, nais ni Barbers na paimbestigahan ang kasunduan ng PCSO sa pamamagitan ni General Manager Mel Robles at Pacific Online Corporation na siyang operator ng e-lotto.
Naging kontrobersyal aniya ang e-lotto sa harap ng 6/49 Lotto draw noong January 16 kung saan nag-iisang maswerte ang nanalo ng 640 million pesos na jackpot prize.
Paliwanag ni Barbers, nagiging malinaw na ipinagpatuloy ni Robles ang implementasyon ng kontrata kahit hindi inaprubahan ng OGCC.
Umaasa ang kongresista na may valid na dahilan si Robles sa kabila ng findings ng OGCC na lugi ang PCSO sa kontratang pinasok na maituturing na Graft and Corrupt Practices Act.
Sa halip na makinig sa panawagan ng OGCC ay lalo pa umanong sinuway ang utos at ipinatupad ang kontrata.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home