Hindi na papayagang makabyahe simula sa Pebrero ang mga operator at tsuper ng nasa 38,000 traditional jeepney units na hindi naconsolidate sa itinakdang deadline noong December 31, 2023.
Ito ang inihayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB chair Teofilo Guadiz III sa isinasagawa ngayong motu proprio inquiry ng House Committee on Transportation ukol sa implementasyon ng Public Utility Vehicle o PUV modernization program sa bansa
GUADIZ
Habang nilinaw naman ng opisyal na pwede namang magmaneho ang mga driver na maapektuhan sa ibang operator na nagconsolidate ng kanilang unit, subalit ang mga tsuper na mahuhuling nagmamaneho ng jeep na di naconsolidate ay huhulihin sa kasong pagmamaneho ng colorum na sasakyan
GUADIZ
Iyan ang tinig ni LTFRB Chair Guadiz
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home