Thursday, January 11, 2024

Maaaring  makakuha ng tuition subsidy at lumipat sa pribadong institusyon ang mga senior high school o SHS student na maapektuhan ng paghinto ng SHS program   sa state universities at colleges (SUCs) sa bansa 


Ito ang inihayag ni House committee on appropriations Makati City Rep. Luis Campos Jr  sa gitna na rin ng pangamba ng ilang mga estudyanteng maapektuhan ng anunsyo ng  Commission on Higher Education na simula ngayong taon, hindi na tatanggap ang mga state at local universities and colleges ng mga bagong SHS.


Ayon kay Campos,   nasa P27.8 bilyon ang  pondong nakalaan sa  ilalim ng 2024 General Appropriations Law, bilang pambayad sa tuition ng mga disadvantaged Grades 11 at 12 students na nakaenroll sa pribadong paaralan 


Paliwanag ng mambabatas, ito ay sa ilalim ng SHS Voucher Program na layong magbigay ng tuition grants sa mga kwalipikadong nakapagtapos sa grade 10 na tutukuyin ng Department of Education.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home