Nanawagan si Benguet Rep. Eric Yap sa mga restaurant, lokal na negosyo, at mga LGU na bilhin ang oversupply ng gulay mula sa mga magsasaka sa Benguet.
Aniya, muli na namang nahaharap ngayon sa hamon ang mga magsasaka ng kanilang probinsya sa kung saan ibebenta ang sobrang ani ng mga gulay.
Punto ng mambabatas taun-taon na lang ay ganito ang kanilang nagiging problema.
Hiling din ni Yap na bilhin ang mga gulay sa presyo kung saan kikita pa rin ang nga magsasaka.
"We are appealing to restaurants, local businesses, LGUs, even cities in Metro Manila to help with short term measures such as in purchasing oversupply of vegetables from Benguet. Also, we hope that you can purchase the produce in relatively advantageous prices for our farmers" sabi ni Yap
Kasabay nito nanawagan si Yap sa mga kasamahang mambabatas na dinggin at ipasa na ang ilan sa inihain niyang panukala bilang pangmatagalang solusyon sa naturang problema.
Kabilang dito ang House Bill 316 kung saan aatasan ang mga government institutions gaya ng kulungan at ospital at food service establishments (mga restaurant, hotel, resort, catering service, atbp) na direktang bilhin ang ani ng mga magsasaka para sa paghahanda ng pagkaon at House Bill 3382 kung saan bibilhin ng LGU ang ani ng mga lokal na mag sasaka para sa feeding program at relief operation.
"We thank all the individuals and groups who are helping our farmers sell their produce and raise awareness on this issue." dagdag ng kinatawan
##
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home