Thursday, January 25, 2024

isa Hinamon ni Cagayan de Oro 2nd district Rep. Rufus Rodriguez si Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO General Manager Mel Robles na magbitiw na sa pwesto. 


Ito ay dahil sa umano’y kabiguan ng PCSO na protektahan ang mga kabataan mula sa e-lotto o online lotto project. 


Ayon kay Rodriguez, masyadong “accessible” ang e-lotto sa ngayon, kaya maaaring nalalagay na sa alanganin ang kapakanan ng mga bata. 


Paliwanag pa ni Rodriguez, ang e-lotto ay nagbubukas ng sugal sa mga menor-de-edad na mayroong mobile phones, computers at katulad na device. 


Nauna nang naghain si Rodriguez ng House Bill 9283 na nagbabawal sa online lotto. 


Pero sa kabila ng panukalang ito na aprubado na ng House Committee on Games and Amusement, sinabi ni Rodriguez na itinuloy pa rin ni Robles ang implementasyon ng e-lotto test run. 


Kinuwestyon din ni Rodriguez ang paglulunsad ng online lotto, nang binalewala ang rekumendasyon ng Office of the Government Corporate Councel o OGCC, gaya ng requirement para sa ahensya na magkaroon muna ng approval mula sa Office of the President. 


Kanina, nagdaos ng pagdinig ang House Ways and Means committee kaugnay sa mga isyu laban sa PCSO, ngunit hindi nakadalo si GM Robles. 


Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, magdaraos ang kanyang komite ng isa pang pagdinig ukol sa mga ipinupukol na alegasyon laban sa PCSO. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home