isa Nagsama-sama sa rally ang iba’t ibang grupo sa labas ng Batasan Pambansa sa Quezon City ngayong Lunes o araw ng balik-sesyon ng Kongreso.
Kanilang sabayang sigaw, ibasura na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang itinutulak na Charter Change o Cha-Cha.
Kabilang sa mga nanguna sa rally ay ang grupong Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN, gayundin ang BayanMuna, ACT Teachers, Health Alliance for Democracy, at mga kaalyadong grupo.
Anila, nakakagalit ang umano’y paggamit ng “public funds” sa nagpapatuloy na pagkolekta ng lagda para sa Peoples Initiative o PI.
Pag-akusa nila, may mga politiko na sangkot sa maling paggamit ng pondo, at nagpapanggap na tumutulong sa pamamagitan ng mga ayuda at subsidiya ng gobyerno.
Dagdag ng mga grupo, hindi uusad ang Cha-Cha kung walang suporta ng Presidente.
Giit naman ng mga grupo, ngayong balik-sesyon ang Kongreso ay mas mabuti kung tututok sa pagpasa sa mahahalagang panukalang batas na tunay na magpapa-angat sa buhay ng mga Pilipino, gaya ng panukalang taas-sahod at dagdag-pensyon, ibaba ang presyo ng mga bilihin at serbisyo, libreng pamamahagi ng lupa, at pagpapalakas sa mga lokal na magsasaka at mangingisda.
Kaugnay nito, sinabi ni Mong Palatino na secretary general ng BAYAN na ang kanilang kilos-protesta ngayong araw ay simula pa lamang ng serye ng “nationwide anti-Cha-Cha protests” nila.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home