Wednesday, January 31, 2024

Isa Umali / Jan. 31, 24



Sasamantalahin ng Office of Transportation Cooperatives o OTC ang ibinigay ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na 3-buwan na extension para sa consolidation sa ilalim ng Public Utility Vehicle o PUV modernization program para mahimok ang mga bigo pang magpa-consolidate.


Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, sinabi ni OTC chairman Andy Ortega na dahil sa nabanggit na extension ay iikutin nila ang buong bansa.


Partikular dito ang mga lugar na may mababang “consolidation rate” o mababa ang bilang ng mga jeepney operators at drivers na nakasama na sa consolidation.


Ayon kay Ortega, makikiusap na ang OTC sa mga asosasyon na pumasok sa consolidation.


Dagdag niya, ipapaliwanag ng OTC ng husto sa mga ito ang kahalagahan ng pagsama sa mga kooperatiba, at hangarin ng programa para sa ikabubuti ng sektor ng transportasyon.


Samantala, inilatag ni Ortega sa komite ng Kamara ang mga programa nila para sa 2024, lalo’t nabigyan umano sila ng P45 million na pondo.


Kabilang sa mga programang ito ay pagkakaroon ng mga seminar patungkol sa labor laws, fleet management at iba pa; at katuwang ang LTFRB ay magkakaroon sila ng komprehensibong road use ethics.


Isa pang mahalaga aniya ay magkakaroon ang OTC ng compliance monitoring tungkol sa PUV operations.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home