Wednesday, January 31, 2024

milks Pagpasa ng Senado ng RBH 6 dapat bago mag-adjourn ang Senado sa Marso…



Kung gusto ng Senado na matigil na ang People’s Initiative, dapat ipasa na ang Resolution of Both Houses no. 6 bago mag - Marso.


Ito ang timeframe na nakikita ng Kamara para may sapat na panahon ang Senado na aralin ang RBH no. 6 at mai-transmit sa Kamara.


Ayon kay Bataan 1st District Representative Geraldine Roman, mag-a-adjourn ang sesyon sa March 23 hanggang April 28.


Sabi ni Roman, kapag nag-resume na ang sesyon sa April 29, abala na ang mga mambabatas para sa mga sasabak sa midterm elections at baka hindi na mabigyan ng pansin sa Senado ang pagpasa sa RBH 6.


Dagdag pa ni Roman, pinanghahawakan ng Kamara ang pangako ni Senate President Juan Miguel Zubiri at kung tapat sila sa pangako, gagawan nila ito ng paraan.


Pakinggan natin si Congresswoman Geraldine Roman…


RHTV : insert audio/video Roman…

Out cue : they dont need a year…


Una rito, hinamon ng mga kongresista ang Senado na aprubahan na ang RBH no. 6 dahil ito ang “papatay” sa tinututulan na People’s Initiative  ng mga senador.


Ayon kay House Majority Leader Jose Manuel Dalipe, kapag natapos ng Senado ang RBH 6, hindi na pwede ang P-I dahil sa ilalim ng batas, isang amyenda lamang sa Konstitusyon ang pwedeng gawin kada limang taon.


Sabi pa ni Dalipe, kung ano ang gusto nila, i-a-adopt ng Kamara nang buong-buo ang bersiyon ng Senado ng RBH no. 6.


Binigyan diin ni Dalipe, tatanggapin at pagtitibayin ng Kamara  kung ano ang bersiyon na gusto ng Senado at kung anong economic provision ang gusto nila.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home