Thursday, January 25, 2024

kath Aminado ang COMELEC na hindi na nila kakayaning pagsabayin ang paghahanda sa 2025 mid-term elections at pagdaraos ng plebesito sa huling quarter ng 2024.


Sa briefing ng House Committee on Suffrage and Electoral Reform para sa paghahanda sa 2025 mid-term elections, natanong ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel ang COMELEC kung may sapat ba silang tauhan sakaling magsagawa ng referendum ngayong taon.


Una nang sinabi ni Manuel na target na magsagawa ng plebesito sa Hulyo para sa itinutulak na pag-amyenda sa Saligang Batas.


Tugon ni Comelec Executive Director Teopisto Elnas, Jr. sakaling matapat ang referendum sa huling bahagi ng 2024 o unang bahagi ng 2025 ay hindi na kakayanin ng poll body na maghanda at magsagawa pa ng plebesito.


Aniya Oktubre kasi ay simula na ng filing ng certificate of candidacy para mid-term elections.


Habang mas magiging abala sila sa unang quarter ng susunod na taon.


“Kapag sa dulo na, last quarter, fourth quarter ng 2024 mangyayari yan [referendum] hingi kami ng, sana po hindi na tayo magkakaroon ng plebesito dito sa month ng October, kasi October start na ng filing ng certificates of candidacy hanggang sa November and December. And so much so pagpasok po ng January, February, March April, kasi ito na yung bulk ng preparation natin. Actually mag-start tayo by August, September, October, November, start na tayo on the technical side ng preparation natin” paliwanag ni Elnas


Ang ‘window’ lamang nila para makapagsagawa ng plebesito ay sa buwan ng Agosto hanggang Setyembre.


Paalala pa ni Elnas na sa 2025 na maliban sa mid-term elections sa Mayo ay gaganapin din ang Baranggay Elections ng Disyembre kung saan kailangan din magkasa ng panibagong voter’s registration para sa BSK.


#wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home