SI REP LAGMAN ANG DAPAT MAGPALIWANAG SA KORTE SUPREMA HINGGIL SA P449 BILYONG UNPROGRAMMED FUNDS — CHAIRMAN CO
milks Kung may dapat magpaliwanag sa Korte Suprema dapat kasama si Albay Congressman Edcel Lagman.
Buwelta ito ni Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co, Chairman ng House Committee on Appropriations matapos idulog sa Korte Suprema ng grupo ni Lagman ang pagkuwestiyon sa P449 billion pesos na unprogrammed funds sa 2024 national budget.
Ayon kay Co, miembro si Lagman ng bicameral conference committee noong tinatalakay ang 2023 proposed national budget at kasama siya sa nag-apruba ng unprogrammed funds na may kaparehong halaga noong nakaraang taon.
Ngayon anya na hindi na siya miembro ng bicam, tinatawag nya nang “illegal” ang unprogrammed funds.
Dagdag pa ni Co, naging miembro si Lagman ng Appropriations Committee ng halos labing-limang taon pero hindi siya nagreklamo sa unprogrammed appropriations - bakit ngayon lang?
Sa dalawampu't pitong pahinang petisyon na inihain ng grupo nina Congressmen Lagman, Gabriel Bordado at Mujiv Hataman, kinukuwestiyon ang excess funds dshil lagpas umano ito sa ceiling ng National Expenditure Program na dapat ay 281 billion pesos lamang.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home