hajji Muling nanawagan si Lanao del Sur First District Representative Zia Alonto Adiong kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating House Speaker Pantaleon Alvarez na bitawan na ang isinusulong na paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.
Ayon kay Adiong, hindi lamang unconstitutional ang tangkang pagtiwalag ng Mindanao kundi kawalan din ng respeto sa "duly constituted authority" kaya hindi dapat payagang makompromiso ang integridad ng bansa.
Hindi na aniya dapat mauwi sa panibagong sigalot ang usapin dahil lalala ang naghilom nang trauma mula sa nakalipas na karanasan.
Paliwanag ni Adiong, mahalagang bahagi ng Pilipinas ang Mindanao na hindi lamang nagtaguyod ng pagkakakilanlan pagdating sa kultura at populasyon kundi buong-buo rin ang representasyon sa gobyerno.
Sa katunayan, iginiit ng kongresista na ilang Mindanaoans na ang humawak ng mataas na posisyon sa pamahalaan tulad nina dating Pangulong Duterte, dating Speaker Alvarez, Vice President Sara Duterte at Senate Minority Leader Koko Pimentel.
Malinaw umano rito na mahalaga ang papel ng Mindanao at walang lugar ang pagbibigay ng atensyon sa "secession" dahil sinisira nito ang pagkakaisa at katatagan na pinagsumikapan ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Adiong, marami nang napagtagumpayan ang Mindanao partikular sa peace process kung saan kahit ang madugong pakikibaka ng MNLF at MILF ay itinigil alang-alang sa pagkakaisa.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home