Tuesday, February 13, 2024

hajji Nanawagan si Lanao del Sur First District Representative Zia Alonto Adiong sa mga nagsusulong ng secession o paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas na huwag itong gamitin bilang “political slogan”.


Sa pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni Adiong na hindi dapat ipilit ang secession dahil lang sa pagpapahayag ng pagkadismaya sa mga usaping may kinalaman sa pulitika.


Matagal na aniyang ibinaon sa limot ang paghiwalay ng Mindanao at tiyak na walang susuporta sa nais isakatuparan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating House Speaker Pantaleon Alvarez.


Punto ni Adiong, maituturing na insulto sa mga nagbuwis ng buhay at nagsakripisyo pati na sa pagprotekta ng militar sa seguridad at integridad ng bansa ang pinalulutang na secession at independence ng Mindanao.


Dagdag pa nito, mas nakatuon ang kanilang pansin sa pagkakaisa at pagsuporta sa administrasyong Marcos lalo’t nagbubunga na umano ang ninanais na kaunlaran.


Iginiit ng kongresista na kung tutuusin ay may mga mauunlad na lungsod sa Mindanao tulad ng Davao at Cagayan De Oro kaya walang rason para sila ay humiwalay at masasayang din ang napagtagumpayang peace process na bahagi ng kasaysayan.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home