FEB 23
-Hajji-
Inihayag ng "think tank" ng Kamara na Congressional Policy and Budget Research Department na hindi sapat ang paglikha ng batas para makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.
Sa pulong balitaan, sinabi ni CPBRD Chief Deputy Secretary General Jun Miral na walang saysay ang legislative efforts upang mang-engganyo ng foreign investments kung mismong ang 1987 Constitution ang ugat ng problema.
Binanggit ni Miral ang batas na nag-amiyenda sa Public Service Act na ang layunin ay alisin ang 40 percent foreign nationality ownership restriction na ipinataw sa halos lahat ng public service companies sa ilalim ng Saligang Batas.
Ngunit hindi pa rin aniya nagagawang ipatupad ang Public Service Act of 2022 dahil sa kakulangan ng implementing rules and regulations bukod pa sa nakabinbing petisyon sa Korte Suprema na kumukuwestyon sa constitutionality nito.
Binigyang-diin pa ng opisyal na hindi tiyak kung handa ang mga investor na mamuhunan sa Pilipinas gayong may pending case sa Supreme Court at hindi pa alam kung kailan ito mareresolba.
Dahil dito, kumbinsido si Miral na dadagsain lang ng investors ang bansa kung maaalis na ang balakid na restrictive economic provisions na nakapaloob sa kasalukuyang Saligang Batas.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home