Milks/23feb24
Pag-alis ng deployment ban sa Kuwait, isinusulong sa Kamara…
Isinusulong ni Kabayan Partylist Representative Ron Salo na pag-aralan na ng gobyerno ang pag-alis ng deployment ban sa mga Pilipinong manggagawa sa bansang Kuwait.
Ayon kay Salo, dapat tiyakin lang ng gobyerno na maipatutupad ang mga kasunduan lalo na ang proteksiyon sa mga oFw.
Ang apela ni Salo ay kasunod ng desisyon ng Kuwaiti Court of Appeals nang pagtibayin ang conviction sa pumatay kay Jullibee Ranara.
Sabi ni Salo, Chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs, mahalaga itong yugto dahil ipinakita ng gobyerno ang pagpapahalaga sa ating mga oFw na itinuturing na mga bagong bayani.
Kasabay nito, nagpasalamat din si Salo kay Pangulong Bongbong Marcos, sa Department of Migrant Workers, Department of Foreign Affairs at mga opisyal ng Philippine Embassy sa Kuwait sa kanilang dedikasyon na maibigay ang hustisya sa ating kababayan kasabay ang apela ng patuloy na pagkalinga sa ating mga oFw.
Sa statement ng DMW, pinagtibay ng state of Kuwait Appeals Court ang guilty verdict sa pumatay kay Ranara na ang bangkay ay natagpuang sinunog at inilibing sa disyerto noong January 2023.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home