Friday, February 23, 2024

DAYUHANG PAGMAMAY-ARI SA MEDIA AT EDUKASYON, MAKABUBUTI SA BANSA


Malaking benepisyo sa bansa ang liberalisasyon sa edukasyon at media na isinusulong ng Kamara at Senado sa reporma ng Charter, na inaasahang magbibigay ng magandang oportunidad sa mga makabagong kaalaman na ituturo sa mga dayuhang insitusyong pang-edukasyon, para sa mga kabataang Pilipino, kabilang na ang pagkakaroon ng mga trabaho sa pagpasok ng mga dayuhang media sa bansa. 


Sa idinaos na pulong balitaan sa Kamara, ibinahagi nina House Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, at Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) Deputy Secretary General Dr. Romulo Emmanuel Miral Jr. ang kanilang mga pananaw sa mga epekto ng pagbabago sa economic charter, lalo na ang dayuhang pagmamay-ari ng edukasyon at media. 


Ipinapanukala sa parehong Resolution of Both Houses (RBH) 7 na inihain ng Kamara de Representantes at RBH 6 ng Senado, ang mga panukalang amyenda sa Articles XII, XIV at XVI, na nakatuon sa national patrimony, economy, education at general provisions 1987 Konstitusyon. 


Sa bahagi ng media foreign ownership, sinabi ni Miral na binura ng digitalisasyon ang territorial boundaries. 


“Wala na talagang boundaries. Kaya sayang naman kung sa halip na nandidito yung headquarters nila, e nandudun sa ibang bansa,” aniya. 


Aniya, ang foreign media sa bansa ay magbibigay ng trabaho sa maraming Pilipino sa kanilang headquarters kapag ito ay itinayo sa bansa. 


“Kung nandidito ang mga headquarters nila kaysa nandudun sila sa ibang bansa, tapos tayo nagpapadala lang ng content doon and then saka nila ipapalabas dito sa atin, nakakapanghinayang yung pagkakataon na ganon,” ani Miral. 


Sa pagpapahintulot naman ng foreign ownership ng mga educational institutions, sinabi ni Miral na sasakupin lamang nito ang tertiary o higher education. 


Ayon sa kanya, ang pagpapahintulot ng foreign educational institutions sa bansa ay magbibigay ng oportunidad sa maraming mag-aaral na Pilipino na matuto ng mga bagong kaalaman. 


“Mas kaunti kasi ang makakalabas (ng Pilipinas). Halimbawa, yun mismong mga educational institututions na ito ay pupunta dito sa ating bansa, mas maraming makakapag-aral sa atin at makapag-take advantage ng mga bagong kaalaman. Kasi, like Singapore, they welcome this. Sa Malaysia ganun din. So talagang mahuhuli tayo pag hindi natin ito sinundan yung ganung trend,” dagdag niya pa. 


Ipinahayg rin ni Miral ang kanyang paniniwala, na ang foreign educational institutions sa bansa ay hindi makakasama sa mga kaugaliang Pilipino. 


“Hindi ko tinitingnan na it will be detrimental to our values. Sa palagay ko naman sa pag-aaral ko (sa abroad), hindi ako nagbago. Nandun yung same values (ko). Palagay ko ung formation na iyon na habang bata tayo nabubuo na iyon,” aniya. 


Idinagdag niya na, “Pagdating natin sa edad na iyon, maliwanag na ang pag-iisip natin. Kaya  nga may age of reason na. So palagay ko alam na natin ang tama. Saka isa pa, yung tama at mali, that’s something universal e. At kung talagang alam natin ang tama at mali, hindi ko alam bakit it is something to be concerned of. Hindi ko talaga maintindihan.” 


Ayon kay Acidre, ang pag-aaral sa ibayong dagat ay nagbibigay ng kinakailangang exposure sa mga mag-aaral na mag practice at matuto ng mga bagong kaalaman. 


“Kung pag-aaral lang yan, pwede nang pag-aralan dito sa Pilipinas. It is really the exposure to practice and learn that we are trying to get. Now, not everybody will have that opportunity. Kaya nga gusto natin dalhin sa Pilipinas para yung mga hindi naman maka afford, walang panahon o pagkakataon makapag-aral abroad, ay magkaroon sila ng pagkakataon na makuha ang parehong exposure, parehong pag-aaral para hindi na sila mangibang bansa,” aniya.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home