Tuesday, February 13, 2024

isa Gusto ng Makabayan Bloc sa Kamara na maitaas sa P50,000 ang “minimum salary” ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa. 


Kaya naman kanilang inihain ang House Bill 9920, kung saan target na gawing Salary Grade 15 (sa ilalim ng Salary Standardization Law) ang sahod ng mga guro o katumbas ng P50,000 kada buwan. 


Paliwanag ni ACT Teachers PL Rep. France Castro --- hangad ng kanilang panukala na makasabay ang sweldo ng mga guro sa kasalukuyang “cost of living,” at taas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. 


Giit ni Castro, ang mga guro ay silang “frontliners” sa sektor ng edukasyon, na nararapat para sa disenteng buhay, kompensasyon, at iba pang benepisyo. 


Gayunman, sinabi ni Castro na kahit itinuturing ang mga guro bilang propesyunal, ang kanilang sweldo ang “busabos.” 


Ayon naman kay Ruby Bernardo, na isang guro at chairperson ng ACT-National Capital Region --- suportado nila ang panukala ng Makabayan dahil 92% o 9 sa 10 guro ay hindi talaga nakakatuntong sa nakabubuhay na sahod. 


Marami aniya sa teachers ay “overworked” o patong-pantong ang trabaho, pero nangangamba na walang maaasahang dagdag-sweldo ngayong 2024. 


Kinumpirma naman ni Teacher Ruby na mayroon silang “Valentine’s day protest” bukas, para ipakita na dapat ang gobyerno ay may puso para sa mga guro.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home