Thursday, February 08, 2024

MGA KARAGDAGANG BENEPISYO PARA SA MGA KATUTUBO, ISINULONG


Inaprubahan ngayong Lunes ng Komite ng Indigenous Cultural Communities and Indigenous Peoples sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Allen Jesse Mangaoang ang Ulat ng Komite at substitute na panukala sa House Bill (HB) 6713, na nagmamandato ng paggagawad ng mga benepisyo sa pagkasawi at pagpapalibing sa mga mandatoryong kinatawan ng mga Indigenous Peoples (IPs). Ipinaliwanag sa HB 6713 na inihain ni Rep. Edwin Olivarez (1st District, Paranaque City) na layon nitong paganahin ang panukala sa prinsipyo ng “equal pay for equal work,” pagkakapantay-pantay at katarungang panlipunan. Ayon sa kanya, lalahok ang mga mandatoryong kinatawan ng mga IPs sa lokal na lehislasyon at policy-making, at idinagdag na ang mga implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 8371, o Indigenous Peoples’ Rights Act ay nagsasaad na ang mga IPs na katuwang sa policy-making at lehislasyon sa lokal na antas ay gagawaran ng parehong mga benepisyo tulad ng mga regular na miyembro, kasama ang mga benepisyo sa pagpanaw, at mga opisyal ng barangay ay karapat dapat sa ilalim ng RA 7160, o Local Government Code. Ayon kay Mangaoang, nirebisa ng lupon ang panukala ni Olivarez, na ang orihinal ay limitado lamang sa mga kinatawan ng IP sa antas ng barangay. Sa naturang substitute bill, ang mga benepisyo sa pagpanaw ay iginagawad sa mga kinatawan ng IP hanggang sa antas ng panlalawigan. Iginagawad rin ng substitute bill sa HB 6713 ang parehong kalagayang politikal, tulad ng kanilang regular na halal na mga counterparts, isinasainstitusyon ang mga programa na naggagawad ng mga benepisyong salapi at suportang pinansyal sa mga benepisaryo ng mga kinatawan ng IP na pumanaw sa panahon ng kanilang serbisyo, at iba pa. Sumang-ayon rin ang Komite na pagsama-samahin at aprubahan ang mga HBs 9683 at 9768 na may titulong “Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo Act” na iniakda ni ANG PROBINSYANO Party-list Rep. Alfred Delos Santos. Ipinaliwanag ni Mangaoang na ang mga HBs 9683 at 9768 ay magsasainstitusyon sa umiiral na programa ng Kagawaran ng Agrikultura, na naglalayong paunlarin ang kakayahan sa agrikultra ng mga ancestral domains. Itinuturing ng mambabatas ang aksyon na malaking hakbang sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga IP sa buong kapuluan, at malaking maitutulong sa pagkamit ng seguridad sa pagkain. Pinasalamatan ni Mangaoang sina Olivarez at Delos Santos sa paghahain sa nasabing kahit na hindi sila mga miyembro ng Komite, at hindi mga miyembro ng anumang indigenous cultural community/indigenous peoples (ICC/IP). Nagpahayag naman ng suporta sa panukala ang mga kinatawan ng National Commission of Senior Citizens, National Council on Disability Affairs, at National Commission on Indigenous Peoples.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home