isa Hiniling ng ilang kongresista sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na i-exempt na ang mga senior citizen mula sa umiiral na “number coding scheme.”
Sa joint hearing ng House Committees on Ways and Means, Senior Citizens at PWDs --- inusisa ni Albay Rep. Joey Salceda kung may “coding privileges” ba para sa senior citizens.
Ayon kay Atty. Joseph Salud, chairperson ng PWD and Senior Citizens Focal Point Committee ng MMDA --- ang mayroon sa kasalukuyan ay exemption para sa persons with disabilities o PWDs, pero kung ang aplikasyon ay aprubado ng MMDA chairman.
Dito na humirit si Salceda na bakit hindi pa isama ang mga senior citizen, tutal ay iilan na lamang ang mga miyembro ng sektor na ito.
Sakaling katigan ng MMDA, sinabi ni Salceda na ito ay “subject to restrictions and eligibility acquisition.”
Ayon naman kay United Senior Citizens PL Rep. Milagros Magsaysay, kailangan ng mga senior citizen ng exemption sa number coding dahil minsan, itinatakbo sila sa ospital o magpapa-check-up.
Kaya sinabi ni Magsaysay kay MMDA Acting chairman Romando Artes noon na basta’t may nakasay na senior citizen sa sasakyan, baka uubrang exempted na sa color coding.
Tugon ni Salud, “noted” ang apela ng komite ukol sa exemption sa number coding.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home