milks Mga Senador dapat lumantad na kung sino-sino ang pabor o hindi sa pag-amyenda sa economic provisions ng ating Saligang Batas…
..
Gusto nang malaman ng mga lider ng Kamara kung ano ba ang posisyon ng Senado - papaboran ba o hindi ang economic provisions ng 1987 Constitution.
Ginawa ni House Majority Leader Manuel Dalipe ang apela matapos sabihin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi nila mamadaliin ang deliberasyon ng RBH6.
Katuwiran ni Zubiri, seryoso ang panukalang amyenda sa 1987 Constitution at dapat masusi itong talakayin.
Hinamon ni Dalipe ang mga Senador na lumantad kung sino-sino ba sa kanila ang pabor o hindi sa amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.
Giit ni Dalipe, dapat transparent sa mamamayan at magiging basehan din ito kung sino ang ihahalal ng mga botante sa nalalapit na midterm elections.
Sa panig ni House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. , ang Senado at hindi Kamara ang nangako na mapagtitibay ang RBH6 sa first quarter ng taon.
Giit naman ni Bataan Representative Geraldine Roman, “urgent concern” ang Charter amendments.
Mensahe ni Roman sa mga Senador, “huwag nang magbolahan at magtapatan na lang tayo”.
RHTV : audio & vid as material … silent only
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home