kath Nagkasundo ang mga ekonomista, mambabatas at mga opisyal ng Deparent of Agriculture at Board of investment na panahon nag buksan din sa dayuhan mamumuhunan ang sektor ng mais at palay o bigas.
Ito ay para mapalakas ang produksyon ng pagkain at kita ng mga magsasaka.
Sa ikinasang roundtable discussion ng Kamara, sinabi ni Mari Charina Ubarra,technical consultant ng Foundation for Economic Freedom (FEF) na nililimitahan ng Presidential Decree 194 sa 30 taon ang foreign invedtment sa rice and corn sector.
Natatangi aniya ito sa Pilipinaa na isa sa mga dahilan kung bakit kakaunti ang namumuhunang dayuhan sa atin.
Pagbabahagi naman ni Christopher Ilagan, chairman ng agribusiness committee ng American Chamber of Commerce sa Pilipinas, maaaring hindi agad ramdam ng investors ang 30 year divestmsnt rule pero habang papalapit ito at nagdadalawang isip na ang mga investors.
Maliban dito dahil sa rice tariffication law ay inalisan ng kapangyarihan ang national food authority ng kapangyarihan na imonitor ang divestment law na nakakagulo din sa isio ng mga investors.
Dahil batid na mahihirapang buksan ng buo aa foreign investment ang naturang mga sektor ang nakikitang alternatibi ay palawigin ang divestment period sa 50 taon.
Sinuportahan naman ito nina Agriculture assistant secretary U-Nichols Manalo at NFA administrator Roderico Bioco dahil makatutulong ito sa ilang dekada nang underinvestment sa sektor ng agrikultura.
Sa panig naman ni BOI director Raquel Echague sinabi nya na ang papahaba sa divestment period ay makakatulong sa Pilipinas na makahabol sa mga karatig bansa natin sa ASEAN lalo na sa feed milling industry.
##
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home