Thursday, February 08, 2024

kath Nangangamba ang ilang kongresista na mapopolitika lang ang panukalang ameynda sa economic provision ng Konstitusyon kung paaabutin pa ng Oktubre ang pagtalakay dito.


Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose ‘Mannix’ Dalipe, batid naman ng lahat na pagsapit ng Oktubre ay magiging abala na ang lahat para sa 2025 mid-term elections.


Kaya kung pahahabain pa ang pagtalakay sa planong amyenda sa saligang batas ay posibleng mahaluan na ito ng politika.


Ani Dalipe, kung magsasagawa man ng plebesito o referendum ukol dito ya hindi dapat isabay sa mid-term elections.


Paalala pa ng Zamboanga solon, kung lalagpas pa ang pagtalakay ng economic charter change sa kalahating taon ng adminsitrasyon ay magagaya lamang ito sa mga nakaraang panukalang amyenda na mamamatay at hindi na matatalakay pa.




##


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home