Thursday, February 01, 2024

milks Mga naghihinala na may political provisions sa RBH 6, hinamon na patunayan…



Sa gagawing pagtalakay ng Senado sa Resolution of Both Houses no. 6, makikita na walang ano mang probisyon tungkol sa pulitika.


Hinamon ni House Majority Leader Jose Manuel Dalipe ang mga nag-aakusa kung may makikita silang political provisions sa RBH no. 6.


Ayon kay Dalipe, malinaw ang posisyon ng Kamara na economic provisions lamang ang gusto nilang maamyendahan sa 1987 Constitution.


Pakiusap ni Dalipe, itigil na ang paggawa ng intriga .


Public document anya ang resolusyon at sa mga nagdududa, pwedeng suriin at tignan ang isinumite nilang RBH 6 sa Senado kung mayroon itong political provisions.


Narito ang pahayag ni House Majority Leader Jose Manuel Dalipe…


RHTV : insert audio/video Dalipe

out cue : ahh..to the eco prov of the consti…


Sabi ni Dalipe, umaasa ang Kamara na maita-transmit ng Senado ang RBH no. 6 bago mag-Marso o bago mag-adjourn ang sesyon sa March 23 hanggang April 28.


Kapag nai-transmit, pagbobotohan ito sa pamamagitan ng referendum at ang pormang ipatutupad sa pag-amyenda sa ating Saligang Batas ay sa pamamagitan ng Constitutional Convention o ConCon. wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home