medAff MGA USAPIN NG RESEARCH-BASED SA EDUKASYON AT R&D GROWTH, TINALAKAY NG MGA MAMBABATAS
Tinalakay ng mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa isang roundtable discussion (RTD) ang usapin sa akademya, na nakatuon sa mga kasalukuyang suliranin na kinakaharap ng basic education system ng Pilipinas.
Sa isang pagsasaliksik na iprinisinta ni Dr. Leonardo Lanzona Jr. mula sa Ateneo Department of Economics, isinasaad rito na ang sistemang edukasyon ng bansa ay nalalagay na sa balag ng alanganin o krisis bago pa man nanalanta ang pandemyang dulot ng COVID-19.
Ang istrakturang centralized education at kakulangan ng pondo dahil sa mababang pagpapahalaga ng foundational learning, aniya, ang nagresulta sa mahinang kinahinatnan at malawak na puwang sa pagitan ng taong pag-aaral at kasanayan.
Tumugon si Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo na malaking hamon ang desentralisasyon sa isang bansa na may multiple party system, at ipinaliwanag na maaari itong makagawa ng iba’t ibang direksyon at resulta sa iba’t ibang lokal na pamahalaan.
Ayon kay Second Congressional Committee on Education Executive Director Dr. Karol Mark Yee, ipinakikita sa datos na ang mga magagaling na mag-aaral ay maikukumpara sa mga mahihina ng Singapore. Ipinunto ni Deputy Secretary General Dr. Emmanuel Romulo Miral Jr. ng HRep Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) na idineklara ni Pangulong President Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang 2023 State of the Nation Address (SONA), na ang “learning recovery will be at the forefront of the education agenda.”
Nanawagan si Pasig City Rep. Roman Romulo, chairman ng Komite ng basic education and culture, sa Kagawaran ng Edukasyon na maging masigasig, upang ang mga gumagawa ng mga polisiya ay ganap na makakapagbalangkas ng mga naaayong panukala na tutugon sa mga umiiral na usapin sa edukasyon.
Idinagdag niya na ang mga remedial measures ay dapat na ipatupad sa mga paaralan sa panahon ng regular na pasok sa mga paaralan.
Binanggit rin ni Dr. Karl Robert Jandoc ng University of the Philippines School of Economics na mayroong pangangailangan na malinaw na maipaliwanag ang innovation policy framework at rationalize research centers, batay sa mga malilinaw na pamamaraan upang mapatatag ang lokal na kultura ng research and development (R&D) at ng innovation ecosystem.
Sinabi naman ni Batangas Rep. Mario Vittorio Mariño, chairman Komite ng Trade and Industry, na dapat na maglabas ang pamahalaan ng pamamaraan upang mahikayat ang pribadong sektor na mamuhunan sa R&D.
Samantala, hinimok ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng Komite ng ways and means, ang Kagawaran ng Science and Technology na mamuhunan sa basic research.
Ang RTD ay matagumpay na idinaos sa pamamagitan ng partnership ng Kapulungan, sa pakikipag-ugnayan ng CPBRD at Ateneo de Manila University’s Ateneo Center for Economic Research and Development (ACERD), upang tugunan ang mga ganap na pangangailangan ng mga mambabatas, sa pagbibigay ng research at pangunahing evidence-based na rekomendasyon sa mga polisiya, na makakatulong sa pagganap ng mga tungkulin ng Kapulungan sa lehislasyon at oversight.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home