Wednesday, January 31, 2024

isa Nakatakdang maghain ng isang resolusyon ang mga lider ng Kamara sa darating na Lunes, para ihayag ang buong suporta kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.


Sa isang pulong balitaan, kinumpirma ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na nagdaos mula sila ng all-member caucus.


At kasabay ng sunod-sunod na pangyayari, gaya ng may kinalaman sa isinusulong na Charter Change o Cha-Cha --- nagkaroon ng proposal na magkaroon ng House Resolution para kay Speaker Romualdez.


Ayon naman kay House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., nakasaad sa resolusyon ang hindi matatawarang pagkakaisa at suporta ng mga kongresista kay Speaker Romualdez, gayundin ang pagtindig sa integridad ng Kamara bilang isang institusyon.


Ito ay sa harap na rin ng kabi-kabilang mga atake sa Kapulungan mula sa Senado.


Nang matanong naman kung magkakaroon ba ng isyu ulit sa Senado dahil sa resolusyon, sinabi ni Rizal 1st district Rep. Michael John Duavit na may respeto pa rin sila sa Senado.


Minsan aniya, ang matatapang na pahayag ay dapat ding sagutin ng matapang.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home