milks Kamara tiniyak ang pagpapahalaga sa kalayaan sa pamamahayag at impormasyon sa pagdalaw ni UN Special Rapporteur Irene Khan…
…
Tiniyak ng Kamara na kaisa ang Mababang Kapulungan para masiguro na nabibigyan ng proteksiyon ang kalayaan sa pamamahayag at impormasyon.
Mensahe ito ng Kamara sa pagbisita sa Kongreso ni United Nations Special Rapporteur Irene Khan.
Inilarawan ni Congresswoman Gloria Labadlabad, Chairperson ng House Committee on Inter-parliamentary Relations and Diplomacy ang meeting nito kay Khan bilang makasaysayang dayalogo.
Ayon kay Labadlabad, pareho ang posisyon ng Pilipinas at UN na igalang ang karapantang pantao, pagkapantay-pantay at bukas na talakayan.
Ipinarating ni Labadlabad ang paninindigan ng Kongreso sa transparency, kalayaan sa opinyon at pamamahayag.
Sa katunayan anya, labing-apat ang panukalang batas sa Kamara para isulong ang right to information at polisiya sa ganap na public disclosure sa lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan.
Una rito, sinabi ng Commission on Human Rights, magsusumite ng report si Khan sa resulta ng pagbisita nito sa bansa na ipi-prisinta sa 59th Session of the Human Rights Council sa June 2025.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home