Wednesday, January 31, 2024

isa Para kay Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers, mabuting pag-aralan ang isinusulong na paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.


Ang pahayag ng kongresista ay kasunod na rin ng plano nina dating Pang. Rodrigo Duterte at Davao del Norte 1st district Rep. Pantaleon Alvarez na simulan ang pagkalap ng mga pirma para sa planong paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.


Ayon kay Barbers, na isa sa mga kongresistang taga-Mindanao --- hindi madali ang paghihiwalay ng Mindanao sa ating bansa.


Pero, “worthy” naman itong pag-aralan at tingnan lalo na kung ano ang posibleng benepisyo nito para sa mga residente ng Mindanao.


Dagdag ni Barbers, nirerespeto niya ang pahayag ni Duterte at Alvarez, na malamang aniya ay may mabigat na rason sa pagtutulak na maihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home