Wednesday, January 31, 2024

isa Tahasang kinontra ng ilang mga kongresista sa Mindanao ang plano nina dating Pang. Rodrigo Duterte at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na maikalas na ang Mindanao sa Pilipinas.


Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, na kinatawan ng Zamboanga City 2nd district --- ayaw nilang mahiwalay ang Mindanao.


Pasaring naman ni Dalipe, porkeā€™t may distrito na nakatanggap na ng P51 billion ay balak na ngayong ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.


Dagdag niya, wala siyang nakikitang benepisyo para sa Pilipinas sakaling ihiwalay ang Mindanao at baka lalo pang madehado ang rehiyon, at hindi rin aniya ito maganda sa ekonomiya.


Pabirong hirit naman ni Camiguin Rep. Jurdin Romualdo, panget tingnan sa seal ng Kamara kung mababawasan ng isa ang star o tala, o kung aalisin ang Mindanao.


Ayon kay Romualdo, kung balak talaga ito nina Duterte at Alvarez, sana ay ginawa noong pang nasa posisyon sila. Lumalabas din kasi na propaganda na lamang ito.


Habang si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, dapat ihinto na ang ganitong uri ng proposals.


Aniya, 6 na taong presidente si Duterte at naging speaker din si Alvarez, pero wala silang panawagan noon na ihiwalay ang Mindanao.


Giit ni Rodriguez, dapat bigyan ng tsansa si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na pamunuan ang buong bansa, at matugunan ang mga kailangan ng Mindanao.

wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home