Anne
Nilinaw ni Speaker Martin Romualdez na ekonomiya ang target na amyendahan sa 1987 Constitution at hindi pulitika.
Ginawa ni Romualdez ang pahayag ng magsalita ito sa harap ng mga mambabatas ng mag convene ngayong araw ang Committee of the Whole.
Sinabi ni Speaker malinaw ang kanilang misyon na baguhin lamang ang ilang economic provisions na pumipigil sa pagpasok ng mga negosyo mula sa ibang bansa, mga negosyong lilikha ng trabaho at magpapasigla sa ekonomiya ng bansa.
Idinaing naman ni Speaker Romualdez at maging ng iba pang House mebers na nagsusulong sa pag amyenda sa economic provision na sila ay inakusahan ng mga walang basehan na akusasyon.
Aniya, hangad lamang nila sa kapulungan ay ang kabutihan ng Sambayanang Pilipino.
Bilang patunay na hindi politically motivated ang kanilang hakbang, pinagtibay ng Kamara ang lahat ng tatlong iminungkahing amendments ng Senate version sa kanilang Resolution of Both Houses No. 6 na inakda ni Senate President Juan Miguel Zubiri, Senators Loren Legarda at Juan Edgardo Angara.
Habang ang House version, RBH No. 7, ay inakda ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. at iba pang House leaders.
Ang tatlong economic provisions na isinusulong na dapat ng amyendahan ay ang 1) Reform the public service sector; 2) Open access of our children to the best educational institutions, whether Filipino or foreign-owned; at 3) Liberalize the advertising industry.
Sinabi ni Speaker, ang economic Charter reforms na itinutulak ng Kamara ay layong bumuo ng isang hinog na kapaligiran na magbubukas ng maraming oportunidad, gaya ng trabaho, world-class education at magagawa lamang ito sa pamamagitan ng pagputol sa mga balakid.
Naniniwala si Romualdez na mas maraming pamumuhunan ay maaaring humantong sa mas mura at maaasahang kuryente , mas mura at mas mabilis na serbisyo sa internet, at mas mahusay at modernong sistema ng transportasyon.
Magbibigay din ito ng mga polisiya ng higit na kakayahang umangkop sa ating mga patakaran sa ekonomiya at magagawang makipagkumpitensya sa ibang mga bansa para sa dayuhang pamumuhunan sa pamamagitan ng pag-alis sa mga paghihigpit sa konstitusyon at pagpapahintulot sa Kongreso sa pamamagitan ng batas na itakda ang mga tuntunin at kundisyon para sa dayuhang pamumuhunan sa mahahalagang sektor ng ating ekonomiya.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home