Tuesday, February 27, 2024

Isa

Hindi na-pressure ang Kamara sa pagpapatibay ng Senado sa panukalang P100 na dagdag sa arawang sweldo ng mga manggagawa sa pribadong sektor.


Ito ang naging paglilinaw ni House Committee on Labor and Employment chairman at Rizal Rep. Fidel Nograles.


Paliwanag ng kongresista, alinsunod na rin sa direktiba ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay hindi mamadaliin ng Kamara ang pag-aaral sa wage hike bills.


Ani Nograles, hindi lamang ang mga manggagawa ang pakikinggan nila kundi ang lahat ng hanay, kasama ang panig ng investors at mga negosyante dahil sila ang inaasahang maaapektuhan pagdating sa usapin ng taas-sahod.


Iimbitahan din ang Department of Labor and Employment o DOLE, at iba pang kaukulang stakeholders.


Sinabi ni Nograles na sa darating na Miyerkules (Feb. 28), didinggin ng Labor committee ang mga isinusulong na “legislated wage increase” o nasa tatlong Houses Bills --- una, ang P150 recovery wage, ikalawa ang P150 across-the-board wage hike, at huli ay ang P750 across-the-board increase.


Tatalakayin din ang pagbuo ng “national minimum wage rate,” kung saan babaguhin ang proseso o pagbalangkas ng minimum wage para sa mga manggagawa.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home