Hajji
Hindi malayong maging abot-kamay na umano ang diploma mula sa prestihiyosong Harvard University kapag naaprubahan ang amiyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.
Ayon kay Nueva Ecija First District Representative Mikaela Suansing, sakaling mapahintulutan ang pagpasok ng foreign education institutions sa bansa ay malaki ang maitutulong nito sa training ng faculty members at pag-adopt sa curriculum para sa konteksto ng Pilipinas.
Pinawi ni Suansing ang pangamba na unti-unting maglalaho ang "Filipino identity" at kultura sa sandaling mapayagan ang 100 percent foreign ownership sa educational institutions.
Paliwanag ng kongresista na produkto ng Harvard noong 2021 sa Master's Degree in Public Policy, marami namang ilalatag na safeguards at hindi maisasantabi ang oversight functions ng Department of Education at Commission on Higher Education.
Naniniwala rin si Ako Bicol Party-list Representative Jil Bongalon na magkakaroon ng access sa de-kalidad na edukasyon ang mga Pilipino at hindi na lamang mayayaman ang mabibigyan ng oportunidad kapag naipatayo ang mga tanyag na unibersidad sa bansa.
Para naman kay Rizal Representative Fidel Nograles na graduate rin mula sa Harvard Law School noong 2016, hindi na iisipin ang gastusin sa biyahe at pag-aaral abroad kapag dinala na rito ang mga unibersidad.
Sa ilalim ng kasalukuyang Saligang Batas, hanggang 40 percent lang ang pinapayagang foreign ownership sa mga sektor kabilang ang edukasyon na nakapaloob sa Section 4, Article 14.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home