Friday, March 08, 2024

Isa


“Walang sasantuhin. Walang sisinuhin!”


Ito ang utos ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa House Committee on Agriculture and Food, na mag-iimbestiga sa tinaguriang “bigas scam” na kinasasangkutan ng National Food Authority o NFA.


Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Quezon Rep. Mark Enverga, ang chairman ng House Agri Panel --- na inatasan sila ni Romualdez na gawing prayoridad ng Kamara ang pagsisiyasat sa kontrobersiya.


Kaya naman, ani Enverga, agad siyang naghain ng House Resolution at nagtakda ng moto proprio inquiry.


Ayon kay Enverga, tuloy na bukas (March 7) ang imbestigasyon, at imbitado rito ang mga opisyal o kinatawan ng NFA, at iba pang kaukulang ahensya at sektor.


Matatandaan na nasiwalat na sabit umano ang ilang opisyal at kawani ng NFA sa pagbebenta ng bigas sa ilang traders nang walang bidding at sa presyong agrabyado ang gobyerno.


Pinatawan na ng Office of the Ombudsman ng preventive suspension ang nasa 139 NFA officials at employees.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home