Friday, March 08, 2024

Isa


Target ng Committee of the Whole ng Kamara na mai-adopt ngayong Miyerkules ang Resolution of Both Houses no. 7 o ang isinusulong na economic Charter Change o Cha-Cha. 


Ito ang sinabi ni Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II, na siyang tumatayong floor leader ng Committee of the Whole ng Kamara na tumatalakay sa RBH no. 7. 


Ani Gonzales, naka-limang araw na ang Committee of the Whole sa pagdinig sa economic Cha-Cha. 


Naging mabusisi aniya ito at narinig ang posisyon ng iba’t ibang ahensya at sektor. 


Ngayong araw, itutuloy pa rin ang deliberasyon at inaasahang haharap ang iba pang imbitadong resource persons. 


Pero sana, ani Gonzales, ang interpelasyon ay magiging limitado sa mga bagong isyu. 


Matapos naman nito o dakong tanghali, planong i-terminate na ang Cha-Cha deliberations at kinalauna’y mapagtibay na ang RBH no. 7. 


Sinabi ni Gonzales na sa oras na ma-adopt na ito, gagawa naman ang House Secretariat ng committee report na siya ring i-aadopt. 


Matatandaan na inihayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na katulad ang RBH no. 7 ng RBH no. 6 ng Senado, nagtutulak na amyendahan ang Articles 12, 14, at 16 ng 1987 Constitution. 


Ani Romualdez, tanging economic provisions ang puntirya ng Cha-Cha na ito, at hindi gagalawin ang anumang political provisions.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home