kath
Para kay Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II, Chair ng House special committee on the West Philippine Sea, panahon nang isama sa pagpopondo ng pamahalaan ang pagpapalakas sa pagbabantay sa ating West Philippine Sea.
Matatandaan aniya na sa 2024 national budget ay nagkaroon ng isyu matapos alisan ng pondo ang ilang civilian agencies para mailipat sa security agencies na nagbabantay sa West Philippines Sea.
Kaya naman sa pagpa-plano ng pambansang pondo para sa susunod na taon, maliban sa edukasyon, at kalusugan ay buhusan na rin ng pondo ang mga pangangailangan para mabantayan ang ating teritoryo.
Punto ni Gonzales, para mapalakas ang presensya ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo ay kailangan na madagdagan ang ating mga barko na nagpapatrolya doon.
Aminado naman aniya ang ating Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines na hamon ang pagpapatrolya sa ating karagatan dahil sa limitadong kagamitan gayundin ang maliliit na barkong gamit sa res-supply mission sa West Philippine Sea kumpara sa mga barko ng China.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home