Friday, March 08, 2024

Milks


Non wage benefits kinukunsidera din sa usapin ng umento sa sahod ng mga manggagawa…



Bukod sa umento sa sahod… pinag-aaralan din ng Kamara ang mga non wage benefits para sa mga manggagawa.


Ito ang inihayag ni Rizal Representative Fidel Nograles, Chairman ng House Committee on Labor and Employment sa mga hearing ng komite sa mga panukalang batas tungkol sa wage hike.


Ayon kay Nograles, sa ngayon, wala pang pinag-uusapang halaga kasabay ng pagsang-ayon nito na hindi sapat ang P100 peso wage hike sa lahat ng  manggagawa sa buong bansa base sa pinagtibay ng Senado.


Sabi ni Nograles, kasama sa non wage benefits na pinag-aaralan ng komite ay pabahay sa mga manggagawa, scholarship programs sa pamamagitan ng TESDA at iba pa.


Pakinggan natin si Rizal Representative Fidel Nograles, Chairman ng House Committee on Labor and Employment…


RHTV : insert video/audio Nagrales…

Vc: para tulungan ang ating mga mangagawa…



Paliwanag ni Nograles, pag-aaralan ang wage subsidy dahil may mga sektor ang nagmungkahi nito sa hearing ng komite tungkol sa mga panukalang umento sa sahod ng mga manggagawa. 


Posible umanong kayanin  ng pamahalaan ang wage subsidy partikular para sa micro, small and medium enterprises o mga maliliit na negosyante.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home