Friday, March 08, 2024

Hajji


Pinagtibay ni Speaker Martin Romualdez ang buong suporta ng Kamara sa inisyatiba ni Pangulong Bongbong Marcos na palakasin ang kakayahan ng Philippine Coast Guard at itaguyod ang modernisasyon sa Armed Forces sa harap ng nagpapatuloy na tensyon sa West Philippine Sea.


Kasunod na rin ito ng napaulat na banggaan sa pagitan ng barko ng Philippine Coast Guard na nag-e-escort sa rotation and reprovisioning operation at isang Chinese Coast Guard vessel.


Nababahala ang leader sa ginawa ng China na nakakaapekto sa stability at kasaganaan sa rehiyon na nakahanay sa prinsipyo ng diplomasya at pagtalima sa rules-based order.


Ayon kay Romualdez, titiyakin ng Kamara ang kooperasyon nito sa legislative process para sa napapanahong implementasyon ng mga hakbang na magpapatibay sa PCG at magsusulong ng modernisasyon sa AFP tungo sa pagpapalakas ng "defense posture" ng bansa.


Binigyang-diin din ng Speaker na nananatili ang commitment ng bansa na daanin sa diplomasya ang pagtugon sa isyu at pagyamanin ang relasyon sa China batay sa "mutual respect" at kooperasyon.


Naniniwala si Romualdez na makakamit ang pantay at mapayapang resolusyon sa sigalot sa teritoryo sa pamamagitan ng pagtutulungan.


Bukod sa inaprubahang updated acquisition plan ng AFP, nakapaloob sa defense plan na dapat garantiyahin ang mapayapang exploration at exploitaition ng natural resources sa mga lugar na may hurisdiksyon kabilang ang exclusive economic zone.


wantta join us? sure, manure...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home